mga balita'y pinapaganda
iniba ang totoong istorya
ginawa itong kaaya-aya
puro paganda ang propaganda
gintong panahon ng palamara
at mga gawa-gawang pantasya
ay agad kinapitan ng masa;
may nakita ba ritong pag-asa?
katotohana'y nayurakan na
ng halibyong na masa'y puntirya
na tila pulido ang sistema
at maayos nilang nakamada
nagbabalik ba ang diktadura?
ang madla kaya'y nakalimot na?
sa nakaraan nilang historya't
kawalan ng asam na hustisya?
- gregoriovbituinjr.
06.23.2022
* halibyong - fake news, pagkukuwento ng isang pangyayari subalit taliwas sa tunay na nangyari, mula sa UP Diksiyonaryong Filipino, pahina 426
* ang litrato'y selfie ng makatang gala sa painting gallery ng isang mall
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento