APAT NA LALAKI, APAT NA BOTE
tula ni Nâzım Hikmet Ran
malayang salin ni Gregorio V. Bituin Jr.
Isang bilog
na papag.
Apat na bote.
Apat na lalaki
at apat na baso ng alak -
Médoc.
Sa mga kopita
may alak,
walang alak,
may alak,
Apat na lalaki ang tumatagay.
Isang bote na’y walang laman.
Isang lalaki ang nagsalita:
- Bukas
Aayusin ko ang usapin
nang matindi.
Walang sinayang na salita -
ang lalaki'y
dapat mabitay.
Tatlong bote na’y walang laman.
Tumugon ang tatlong lalaki,
Tumugon ang tatlong bibig:
- Oo naman
ang lalaki
ay mabibitay.
Isang bilog
na papag,
apat na basong walang laman
at apat na lalaki...
* isinalin ng Hunyo 20, 2022
Four Men, Four Bottles
by Nâzım Hikmet Ran
A round
table.
Four bottles.
Four men
and four glasses of wine -
Médoc.
In the glasses
there is wine,
there is no wine,
there is wine,
Four men are drinking.
One bottle is empty.
One man speaks:
- Tomorrow
I settle the matter
with a bang.
No words wasted -
the man
must hang.
Three bottles are empty.
Three men answer,
three mouths answer:
- Certainly
the man
will hang.
A round
table,
four empty glasses
and four men...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento