SI LAMBING
santaon na sa Abril seventeen
tawag ni misis sa kanya'y Lambing
doon siya sinilang sa amin
at kami na ang nagpapakain
anim silang sabay isinilang
kaya daga'y biglang nagwalaan
mabuting may inaalagaan
na maganda sa puso't isipan
pag may pagkain akong natira
ay iuuwi ko sa kanila
tulad ng isda, magsawa sila
pag nabusog, magpapahinga na
sa anim ay pinakamaingay
laging ngiyaw pagdating sa bahay
kalooban ko'y napapalagay
lalo't naglalambing siyang tunay
- gregoriovbituinjr.
02.26.2024
* ang bidyo ay mapapanood sa kawing na: https://www.facebook.com/reel/875533181038624
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento