MANIPESTO
ang manipesto ay pahayag na pambayan
o maaari namang pangsangkatauhan
sapagkat gabay sa maraming mamamayan
na mithi'y maging makatao ang lipunan
mayroong ding makasariling manipesto
tulad ng librong Unabomber's manifesto
ng nakilala ring gurong matematiko
nang sa sistema'y ipilit ang pagbabago
Capitalist Manifesto ay nariyan din
na mga nilalaman ay dapat alamin
baka kakontra sa lipunang asam natin
na makinabang ay elitista't salarin
Communist Manifesto ang para sa bayan
pagsusuri sa kalagayan ng lipunan
na malinaw ang makauring tunggalian
pribadong pag-ari'y ugat ng kahirapan
kayraming manipestong kaya isinulat
upang sa kanilang kapwa'y makapagmulat
hinggil sa adhikaing isinabalikat
na umaasam na matatanggap ng lahat
- gregoriovbituinjr.
02.08.2024
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento