PUSANG UHAW
kaya pala umakyat ng lababo
pagkat uhaw, nais niyang uminom
bakasakali sa patak ng gripo
ay matighaw ang uhaw, pati gutom
buti't may tubig pa sa palanggana
upang yaong uhaw niya'y mawala
nang nakatingala siya kanina
akala ko'y may tumatakbong daga
kasisilang pa lang ng mga kuting
kaya dapat lang siyang magpalakas
pagkat pasususuhin niya'y anim
na sabay-sabay sususo ng gatas
mabuti nang may inaalagaan
walang mga daga sa paminggalan
- gregoriovbituinjr.
04.25.2023
* may mapapanood na bidyo sa: https://fb.watch/k6Y2bD7jn7/
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento