DI + D = MI
sa krosword, akala ko'y kung ano
nasulat ay DI, HINDI ba ito?
bakit may + D, di ko matanto
ang sagot dito'y dalawang titik
tanong yaong tila anong bagsik
hanggang sa diwa ko'y may sumiksik
napagtanto ko rin naman, aba
Roman Numeral ang mga letra
five hundred one plus five hundred pala
ah, walang hiwagang nababalot
kaya ako'y di na nagbantulot
one thousand one, M.I. na ang sagot
tanong na sa diwa'y nagpahulas
di agad kita sa biglang malas
krosword nga talaga'y pampatalas
- gregoriovbituinjr.
04.01.2023
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento