ARITMETIK
mapanghamon ang ayos ng Aritmetik
kaya sa pagsagot nito'y masasabik
pag-iisipin ka sa namumutiktik
na tanong na lulutasing walang tumpik
isang ayos lang ang madaling nasagot
pang-apat na tanong na kaibang hugot
sa pito pa'y di basta makaharurot
dahil pag-iisipan ang tamang sagot
kaya mapanghamon ang ayos ng pito
baka magkamali pag di sineryoso
tutugma dapat sa suma at produkto
ang sinagot mong integer o numero
tara, Aritmetik ay ating sagutan
at madarama mo rin ay kasiyahan
- gregoriovbituinjr.
04.07.2023
* Ang palaisipang Aritmetik ay matatagpuan araw-araw sa pahayagang Pang-Masa, pahina 7.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento