KA LEODY PARA SA CLIMATE JUSTICE
pambato natin sa panguluhan
Ka Leody de Guzman ang ngalan
manggagawa, makakalikasan
may prinsipyo, may paninindigan
sa Climate Walk, siya'y nakiisa
ako'y saksi nang siya'y sumama
sa unang araw d'un sa Luneta
santaon matapos ang Yolanda
Climate Justice ay kanyang unawa
bilang isang lider-manggagawa
pinaliliwanag niyang sadya
kalagayan ng klima sa madla
ako ang kanilang kinatawan
sa Climate Walk, mahabang lakaran
mula Luneta hanggang Tacloban
kinaya rin, nakatapos naman
Ka Leody'y ayaw ng Just-Tiis
ang kanyang adhika'y Climate Justice
climate emergency'y bigyang hugis
nang serbisyo sa tao'y bumilis
sa Climate Justice, ating pambato
si Ka Leody para pangulo
kung nais natin ng pagbabago
Manggagawa Naman ang iboto
- gregoriovbituinjr.
03.12.2022
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento