TAGAS, TAGIS, TAGOS
sa palaisipan ay napatda
sa isasagot ba'y anong tama
sa posibilidad na kataga
na tatlong nakikitang salita
ito ang TAGAS, TAGIS, at TAGOS
tanong ay alamin munang lubos
iisang titik na lang ang kapos
palaisipan na'y matatapos
sa sarang gripo pag may lumabas
tiyak na isasagot mo'y TAGAS
TAGIS naman sa labanang patas
o kaya'y madugo't mararahas
TAGOS pag niregla ang babae
o kaya punglo'y TAGOS sa tangke
ganitong pag-usisa'y may silbi
nang krosword ay masagutan dini
sa PABABA nama'y KA, KI, at KO
KA ay ikaw, KI ay KAY, KI Pedro
KNOCKOUT naman o AKIN itong KO
at ang krosword na'y makukumpleto
- gregoriovbituinjr.
03.07.2024
* ang krosword ay mula sa pahayagang Abante, Marso 7, 2024, pahina 10
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento