22 PABABA: PANGUNGUHA NG TAO
natawa lang ako sa tanong dito
sa palaisipang sinagutan ko
tanong kasi'y "pangunguha ng tao"
aba'y KIDNAP agad ang naisip ko
kung nawala pa'y DESAPARESIDO
binilang ko, limang titik, di KIDNAP
sinagutan ang paligid, nahanap
ang tamang sagot, ito pala'y KALAP
pangunguha nga ng tao, ang saklap
na kahulugang iba sa hinagap
aba'y ano bang dapat tamang tanong
upang di malito't wasto ang tugon
maraming salitang di makakahon
ako man minsan ay paurong-sulong
- gregoriovbituinjr.
09.29.2023
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento