Lunes, Setyembre 30, 2019

Labanan ang mga taong plastik

tapon dito, tapon doon, naglutangan ang plastik
sa ilog at dagat nagtatapon ang taong plastik
sinabihan na silang huwag magtapon ng plastik
o-oo lang, magtatapon pa rin, talagang plastik

ilog at dagat ay dapat nating pangalagaan 
ingatan nating lagi ang ating kapaligiran
ang simpleng pagtatapon nga sa tamang basurahan
ay di pa magawa kahit ng may pinag-aralan

dapat nang ihiwalay ang basurang nabubulok
sa basurang nare-resiklo at di nabubulok
kaya natin itong gawin dahil di tayo bugok
kaya ibasura na natin ang sistemang bulok

kayraming isyu sa kalikasan, ilog at dagat
itatayo'y Kaliwa Dam, tubig daw ay di sapat
sa kaalaman ba't mga plano, sila ba'y salat
paninira sa kalikasan ay sadyang kaybigat

pangangalaga nito'y di sapat alam lang natin
dapat mayroong aktibong pagkilos tayong gawin
kalikasa'y depensahan, magandang simulain
ang nag-iisa nating mundo'y protektahan natin

- gregbituinjr.
* Kinatha sa pagtitipon ng grupong Green Convergence sa Environmental Studies Institute (ESI) ng Miriam College. Setyembre 30, 2019

Di ako de-kotse, paa lang ang gamit ko

aba'y di ako de-kotse, paa lang ang gamit ko
laging naglalakad di lang dahil ito ang uso
di kasi elitista, dukha ang buhay sa mundo
isang mamamayang walang pag-aaring pribado

buti't walang kotse, di gagamit ng gasolina
walang luho sa katawan, gamit ko lang ay paa
upang marating ang pupuntahan, walang disgrasya
basta't maingat sa bawat tatawiring kalsada

dapat kumain ng bitamina, maging matatag
sa mahabang lakaran, mineral din ay idagdag
kumain ng tama nang katawan ay di matagtag
magpahinga rin paminsan-minsan nang di mangarag

tulad kong di de-kotse'y mamamasahe lang minsan
di bumili ng kotse upang buhay ay umalwan
sa organisador tulad ko, paa'y kailangan
pagkat magaan ang pagkilos sa paroroonan

- gregbituinjr.

Linggo, Setyembre 29, 2019

Pag tinatakang "gera", ayos na bang pumaslang?

dahil ba tinatakan nila ng salitang "gera"
ang karapatang pantao'y binabalewala na?
karapatan ba ng kapwa mo'y wala nang halaga?
walang kara-karapatan dahil "gera sa droga"?

naglipana yaong ulupong sa pamahalaan
klima ng hilakbot ang pinaiiral sa bayan
ang makakita ng dugo'y kanilang kasiyahan
mga halimaw na wawasak sa iyong kalamnan

wala na nga ba silang alam kundi ang pumatay?
na animo'y baboy lang ang kanilang kinakatay
wala na ba silang pagpapahalaga sa buhay
ng kanilang kapwa, walang prosesong binibigay?

dahil tinatakan ng "gera", pwede nang pumaslang
aba'y ganyan ang nangyari sa bansang tinotokhang
hay, pag namumuno'y halimaw at bituka'y halang
dapat lang siyang patalsikin, palitan, dapat lang

- gregbituinjr.

Sa huling sandali ng buhay ko'y tutula pa rin

sa huling sandali ng buhay ko'y tutula pa rin
mga layunin sa uri't bayan ay tutuparin
sa pagsasamantala't pang-aapi'y tutol pa rin
katiwalian ay patuloy na tutuligsain

mamamatay akong layunin ko'y aking nagawa
na bawat isa'y nagkakaisa't mapagkalinga
na maorganisa bilang uri ang manggagawa
na kalikasan at paligid ay mapangalaga

mga tulang may adhika ay aking maiiwan
tulang kritikal, nakikibaka, para sa bayan
tulang para sa uring manggagawa, at palaban
na naglalarawan ng mga isyung panlipunan

tutula pa rin sa huling sandali ng buhay ko
ambag sa pagtatayo ng lipunang makatao
tutula laban sa mapang-aping kapitalismo
tulang lalaban sa pagsasamantala sa mundo

- gregbituinjr.

Sabado, Setyembre 28, 2019

Di maaaring buhay nati'y laging nasa piging

di maaaring buhay nati'y laging nasa piging
dahil tayo'y tagumpay sa ating napiling sining
na pulos ginto't mayayaman ang laging kapiling
ang luho'y balewala sa ating burol at libing

kung yumaman ka lang dahil sa pagsasamantala
ano ka? walang budhing mapang-api't mapangdusta?
binarat ang sahod ng manggagawa sa pabrika
pinagtrabaho ang obrero tulad ng makina

dahil sa pribadong pag-aari'y binalewala
ang pagpapakatao't pakikitungo sa madla
masisipag na dukha'y tinuring na hampaslupa
habang sa kayamanan, tuso'y nagpapakasasa

balewala lahat ng mga natamong tagumpay
kung ginawa'y pang-aapi't di makataong tunay
may kapayapaan ba ang puso nilang namatay
gayong wala na silang dangal doon man sa hukay

- gregbituinjr.

Biyernes, Setyembre 27, 2019

Sa mga nagbahagi ng karanasan sa Ondoy

hinggil sa nangyaring bagyong Ondoy, sila'y nagkwento
sa ikasampung anibersaryo ng bagyong ito
sinariwa ang daluyong ng nasabing delubyo
na sa maraming lugar ay lubhang nakaapekto

maraming salamat sa kanila't ibinahagi
yaong mga karanasang sadyang nakaduhagi
sa takbo ng buhay nila't talagang naglupagi
lalo"t nakaranas ay nalugmok at nangalugi

sa loob ng anim na oras, lubog ang Maynila
at mga karatig probinsya'y tuluyang binaha
kayraming nalubog sa delubyong kasumpa-sumpa
maraming gamit ang nabasa, buhay ay nawala

may aral tayong natutunan sa araw na iyon
tayo'y nagbayanihan, naglimas buong maghapon
habang ginugunita natin ang naganap noon
ay dapat paghandaan ang krisis sa klima ngayon

karanasan sa bagyong Ondoy ay kasaysayan na
dapat tayong maghanda sa bagong emerhensiya
sa pagtindi ng mga bagyo, tayo ba'y handa na
sa darating pang pagkilos, lumahok, makiisa

- gregbituinjr.
* Nilikha ang tula matapos magbahagi ng karanasan sa bagyong Ondoy ang ilang nakaranas nito. Ginanap ang paggunita sa basketball court, Daang Tagupo, Barangay Tatalon, Lungsod Quezon, Setyembre 26, 2019. Nagsidalo roon ang mga mula sa Pasig, Marikina, San Mateo sa Rizal, Caloocan, Malabon, Navotas, Maynila at Lungsod Quezon.









Barakong Gala

nabuburyong ang barakong gala sa kabukiran
wala kasing madigahang dalagang bukid doon
kaya naisip nitong magtungo sa kalunsuran
pumasyal sa mga plasa't maghapong maglimayon

baka roon ay may dumalagang pagala-gala
at kiri kung kumembot ang kurbada nitong baywang
ang natagpuan niya'y dilag na napariwara
na sa angking puri'y wala man lamang nagsanggalang

sadyang kayhirap maburyong sa ilalim ng langit
tila baga may malagim sa malamig na gabi
iniisip ang dilag na di gaanong marikit
na mata'y nangungusap, kaysarap masdan sa tabi

dito sa magulong mundo'y anong dami ng gulong
tila ang bawat isa'y kumakaripas ng takbo
mga paa'y nag-uunahan, pawang urong-sulong
ito na nga ba ang tinatawag nilang progreso

- gregbituinjr.

Huwebes, Setyembre 26, 2019

Ang talumpati ni Greta Thunberg sa Kongreso ng Amerika

TALUMPATI NI GRETA THUNBERG
SA KONGRESO NG AMERIKA
Setyembre 18, 2019
Malayang salin ni Greg Bituin Jr.

Ang pangalan ko ay Greta Thunberg. Ako'y labing-anim na taong gulang at mula sa Sweden. Nagpapasalamat ako't kasama ko kayo rito sa Amerika. Isang bansang para sa maraming tao'y bansa ng mga pangarap.

Mayroon din akong pangarap: na magagap ng mga pamahalaan, partido pulitikal at korporasyon ang pangangailangan ng agarang pagkilos hinggil sa krisis sa klima at ekolohiya at magsama-sama sa kabila ng kanilang pagkakaiba - tulad ng gagawin mo sa isang kagipitan - at gawin ang mga kinakailangang hakbang upang mapangalagaan ang mga kondisyon para sa buhay na may dignidad para sa lahat ng tao sa daigdig.

Nang sa gayon - kaming milyun-milyong nag-aaklas na kabataan mula sa paaralan - ay makabalik na sa paaralan.

May pangarap akong ang mga nasa kapangyarihan, pati na rin ang midya, ay simulang tratuhin ang krisis na ito tulad ng umiiral na emerhensiyang ito. Upang makauwi na ako sa aking kapatid na babae at mga alaga kong aso. 

Sa katunayan, marami akong pangarap. Subalit ito ang taon 2019. Hindi ito ang panahon at lugar para sa mga pangarap. Ngayon ang panahon ng paggising. Ito ang sandali ng kasaysayan kung saan dapat tayong lahat ay gising.

At oo, kailangan natin ng mga pangarap, hindi tayo mabubuhay ng walang pangarap. Subalit may panahon at lugar para sa lahat ng bagay. At hindi dapat pigilan ng mga pangarap ang pagsasabi tulad ng ganoon.

At gayunpaman, kahit saan ako pumunta ay parang napapaligiran ako ng mga alamat. Ang mga namumuno sa negosyo, mga halal na opisyal sa iba't ibang saray ng pulitika na nagbigay ng kanilang oras sa paglikha at pagtalakay ng mga kwentong pampatulog na nagpapaginhawa sa atin, na tayo'y babalik sa pagtulog.

Ito'y mga kwentong "pampabuti ng pakiramdam" tungkol sa kung paano natin aayusin ang lahat ng gusot. Gaano kaganda ang lahat ng bagay kung "malulutas" ang lahat. Ngunit ang problemang kinakaharap natin ay hindi ang kakulangan natin ng kakayahang mangarap, o isipin ang isang mas mahusay na mundo. Ang problema ngayon ay kailangan nating gumising. Panahon na upang harapin ang reyalidad, ang mga katotohanan, ang siyensya.

At ang pinag-uusapan ng siyensya ay di lamang ang "mga dakilang pagkakataon upang lumikha ng lipunang ninanais natin lagi". Tinatalakay nito ang hindi sinasabing pagdurusa ng tao, na lalala pa ng lalala habang naaantala tayo sa pagkilos - maliban kung kikilos na tayo ngayon. At oo, kasama sa isang sustenableng nagbabagong mundo ang maraming bagong benepisyo. Ngunit kailangan ninyong maunawaan. Hindi ito pagkakataon upang lumikha ng mga bagong luntiang trabaho, bagong mga negosyo o paglago ng luntiang ekonomiya. Higit sa lahat ito'y emerhensiya, at hindi lang ito tulad ng ibang emerhensiya. Ito ang pinakamalaking krisis na naranasan ng sangkatauhan.

At kailangan nating tratuhin ito nang naaayon upang maunawaan at magagap ng mga tao ang pangangailangan ng agarang aksyon. Dahil hindi mo malulutas ang isang krisis kung hindi mo ito tatratuhing isang krisis. Tigilan ang pagsasabi sa mga tao na ang lahat ay magiging maayos kung sa katunayan, tulad ng nakikita ngayon, hindi ito magiging maayos. Hindi ito isang bagay na maaari mong ibalot at ibenta o "i-like" sa social media.

Itigil ang pagpapanggap na ikaw, ang ideya mo sa negosyo, ang iyong partidong pampulitika o plano ang makakalutas sa lahat. Dapat mapagtanto nating wala pa tayo ng lahat ng mga solusyon. Malayo pa iyon. Maliban kung ang mga solusyong iyon ay nangangahulugang tumitigil lang tayo sa paggawa ng ilang mga bagay.

Hindi maituturing na pag-unlad ang pagbabago ng isang mapaminsalang mapagkukunan ng enerhiya para sa isang bagay na hindi gaanong mapaminsala. Ang pagdadala ng ating mga emisyon sa ibang bansa ay di nakakabawas ng ating emisyon. Hindi makakatulong sa atin ang malikhaing pagpapaliwanag. Sa katunayan, ito ang mismong puso ng problema.

Maaaring narinig na ng ilan sa inyo na mayroon na lang tayong labingdalawang taon mula noong Enero 1, 2018 upang putulin sa kalahati ang emisyon natin ng carbon dioxide. Ngunit sa palagay ko, iilan lang sa inyo ang narinig na mayroong limampung bahagdan (o singkwenta porsyento) na tsansa na manatiling mababa pa sa 1.5 degri Celsius ng pandaigdigang pagtaas ng temperatura sa ibabaw ng antas ng bago pa ang panahong industriyal. Limampung bahagdang pagkakataon (o singkwenta porsyentong tsansa).

At sa  kasalukuyang, pinakamahusay na magagamit na siyentipinong kalkulasyon, di kasama ang mga di kahanay na kritikal na dako pati na rin ang karamihan sa mga hindi inaasahang lundo ng pagbalik (feedback loop) tulad ng napakalakas na methane gas na tumakas mula sa mabilis na nalulusaw na arctic permafrost. O nakakandado na sa nakatagong pag-init ng nakakalasong polusyon ng hangin. O ang aspeto ng ekwidad; hustisya sa klima.

Kaya tiyak na di sapat ang isang 50 porsyentong tsansa - isang istatistikong kalansing ng barya – ay tiyak na di pa sapat. Imposible iyon upang moral na ipagtanggol. Mayroon bang sinuman sa inyong sasakay ng eroplano kung alam ninyong mayroon itong higit sa 50 porsyentong tsansa ng pagbagsak? Higit pa sa punto: pasasakayin ba ninyo ang inyong mga anak sa paglipad niyon?

At bakit napakahalagang manatili sa ibaba ng limitasyong 1.5 degri? Sapagkat iyon ang panawagan ng nagkakaisang siyensya, upang maiwasang masira ang klima, upang manatiling malinaw ang pagtatakda ng isang hindi maibabalik na tanikala ng reaksyong lampas sa kontrol ng tao. Kahit na sa isang degri ng pag-init ay nakikita natin ang hindi katanggap-tanggap na pagkawala ng buhay at kabuhayan.

Kaya saan tayo magsisimula? Iminumungkahi kong simulan nating tingnan ang kabanata 2, sa pahina 108 ng ulat ng IPCC na lumabas noong nakaraang taon. Sinasabi doon na kung mayroon tayong 67 porsyentong tsansa na malimitahan ang daigdigang pagtaas ng temperatura sa ibaba ng 1.5 degri Celsius, mayroon tayo sa 1 Enero 2018, ng aabot sa 420 Gtonnes ng CO2 na naiwan upang ibuga ang badyet na carbon dioxide. At syempre mas mababa na ngayon ang numerong iyon. Habang nagbubuga tayo ng halos 42 Gtonnes ng CO2 bawat taon, kung isasama mo ang paggamit ng lupa.

Sa mga antas ng kasalukuyang emisyon, nawala na ang natitirang badyet sa loob ng mas mababa sa walo at kalahating taon. Hindi ko opinyon ang mga numerong iyon. Hindi rin ito opinyon o pananaw sa pulitika ng sinuman. Ito ang kasalukuyang pinakamahusay na naabot ng siyensiya. Bagaman sinasabi ng mga siyentipiko na napaka-moderato ng pigurang ito, ito ang katanggap-tanggap sa lahat ng mga bansa sa pamamagitan ng IPCC.

At mangyaring tandaan na ang mga pigurang ito'y pandaigdigan at samakatuwid ay walang sinasabi sa aspeto ng ekwidad, na malinaw na nakasaad sa buong Kasunduan ng Paris, na talagang kinakailangan upang gumana ito sa isang pandaigdigang sukatan. Nangangahulugan itong kailangang gawin ng mga mayayamang bansa ang kanilang patas na bahagi at bumaba ng mas mabilis ang emisyon sa zero, upang maaaring mapataas ng mga tao sa mas mahirap na mga bansa ang kanilang pamantayan ng pamumuhay, sa pamamagitan ng pagtatayo ng ilang mga imprastraktura na itinayo na natin. Tulad ng mga kalsada, ospital, paaralan, malinis na inuming tubig at kuryente.

Ang USA ang pinakamalaking carbon polluter o tagapagdumi ng karbon sa kasaysayan. Ito rin ang numero unong tagagawa ng langis ng mundo. At gayundin naman, ikaw din ang nag-iisang bansa sa mundo na nagbigay hudyat ng iyong malakas na balak na iwanan ang Kasunduan sa Paris. Dahil sa sinasabing "ito'y isang masamang pakikitungo para sa Amerika".

Apatnaraan at dalawampung Gt ng CO2 ang naiwan upang ibuga noong Enero 1, 2018 upang magkaroon ng isang 67 porsyentong tsansang manatili sa ibaba ng 1.5 degri ng pagtaas ng temperatura sa mundo. Ngayon ang pigurang iyon ay nasa mas mababa sa 360 Gt.

Nakaliligalig ang mga numerong ito. Subalit karapatan ng mga taong makaalam. At ang karamihan sa atin ay walang ideya na umiiral ang mga numerong ito. Sa katunayan kahit na ang mga mamamahayag na nakausap ko'y tila di rin alam na umiral ang mga iyon. Di pa natin nababanggit ang mga pulitiko. At tila mukhang tingin nila na ang kanilang pampulitikang plano ang makakalutas sa buong krisis.

Subalit paano ba natin malulutas ang problemang di natin lubusang nauunawaan? Paano ba natin maiiwanan ang buong larawan at ang kasalukuyang naririyang siyensya?

Naniniwala akong may malaking panganib na gawin ito. At gaano man kapulitikal ang paglalarawan sa krisis na ito, huwag nating hayaang magpatuloy ito bilang partisanong pulitikal na usapin. Ang krisis ekolohikal at klima ay lampas pa sa pulitikang pampartido. At ang pangunahing kaaway natin ngayon ay hindi ang ating mga kalaban sa politika. Ang pangunahing kaaway natin ngayon ay pisika. At hindi tayo "nakikipagkasundo" sa pisika.

Marami ang nagsasabing imposibleng magawa ang pagsasakripisyo ng marami para sa kaligtasan ng bisospero (o kabuuan ng ekosistema) at tiyakin ang kalagayan ng pamumuhay para sa hinaharap at kasalukuyang henerasyon.

Marami na ngang nagawang dakilang sakripisyo ang mga Amerikano upang malagpasan ang mga teribleng panganib noon.

Isipin ninyo ang matatapang na kawal na sumugod sa dalampasigan sa unang salpukan sa Omaha Beach noong D Day. Isipin ninyo si Martin Luther King at ang 600 iba pang mga pinuno ng karapatang sibil na itinaya ang lahat upang magmartsa mula Selma hanggang Montgomery. Isipin ninyo si Pangulong John F. Kennedy na inihayag noong 1962 na ang Amerika ay "pipiliin pang magtungo sa buwan sa dekadang ito at gawin ang iba pang mga bagay, hindi dahil iyon ay madali, ngunit dahil iyon ay mahirap..."

Marahil nga ay imposible. Ngunit sa pagtingin sa mga numerong iyon - ang pagtingin sa kasalukuyang pinakamahusay na siyensya na nilagdaan ng bawat bansa - sa palagay ko'y iyon ang kinakalaban natin.

Subalit di mo dapat aksayahin ang buong panahon mo sa pangangarap, o tingnan ito bilang ilang laban sa politika na dapat pagtagumpayan.

At hindi mo dapat isugal ang kinabukasan iyong mga anak sa isang kalansing ng barya.

Sa halip, dapat kayong makiisa sa siyensya.

Dapat kayong kumilos.

Dapat ninyong gawin ang imposible.

Dahil ang pagsuko ay di kailanman kasama sa pagpipilian.



https://www.independent.co.uk/voices/greta-thunberg-congress-speech-climate-change-crisis-dream-a9112151.html

Greta Thunberg speech in the US Congress
September 18, 2019

My name is Greta Thunberg. I am 16 years old and I’m from Sweden. I am grateful for being with you here in the USA. A nation that, to many people, is the country of dreams.

I also have a dream: that governments, political parties and corporations grasp the urgency of the climate and ecological crisis and come together despite their differences – as you would in an emergency – and take the measures required to safeguard the conditions for a dignified life for everybody on earth.

Because then – we millions of school striking youth – could go back to school.

I have a dream that the people in power, as well as the media, start treating this crisis like the existential emergency it is. So that I could go home to my sister and my dogs. Because I miss them.

In fact I have many dreams. But this is the year 2019. This is not the time and place for dreams. This is the time to wake up. This is the moment in history when we need to be wide awake.

And yes, we need dreams, we can not live without dreams. But there’s a time and place for everything. And dreams can not stand in the way of telling it like it is.

And yet, wherever I go I seem to be surrounded by fairy tales. Business leaders, elected officials all across the political spectrum spending their time making up and telling bedtime stories that soothe us, that make us go back to sleep.

These are “feel-good” stories about how we are going to fix everything. How wonderful everything is going to be when we have “solved” everything. But the problem we are facing is not that we lack the ability to dream, or to imagine a better world. The problem now is that we need to wake up. It’s time to face the reality, the facts, the science.

And the science doesn’t mainly speak of “great opportunities to create the society we always wanted”. It tells of unspoken human sufferings, which will get worse and worse the longer we delay action – unless we start to act now. And yes, of course a sustainable transformed world will include lots of new benefits. But you have to understand. This is not primarily an opportunity to create new green jobs, new businesses or green economic growth. This is above all an emergency, and not just any emergency. This is the biggest crisis humanity has ever faced.

And we need to treat it accordingly so that people can understand and grasp the urgency. Because you can not solve a crisis without treating it as one. Stop telling people that everything will be fine when in fact, as it looks now, it won’t be very fine. This is not something you can package and sell or ”like” on social media.

Stop pretending that you, your business idea, your political party or plan will solve everything. We must realise that we don’t have all the solutions yet. Far from it. Unless those solutions mean that we simply stop doing certain things.

Changing one disastrous energy source for a slightly less disastrous one is not progress. Exporting our emissions overseas is not reducing our emission. Creative accounting will not help us. In fact, it’s the very heart of the problem.

Some of you may have heard that we have 12 years as from 1 January 2018 to cut our emissions of carbon dioxide in half. But I guess that hardly any of you have heard that there is a 50 per cent chance of staying below a 1.5 degree Celsius of global temperature rise above pre-industrial levels. Fifty per cent chance.

And these current, best available scientific calculations do not include non linear tipping points as well as most unforeseen feedback loops like the extremely powerful methane gas escaping from rapidly thawing arctic permafrost. Or already locked in warming hidden by toxic air pollution. Or the aspect of equity; climate justice.

So a 50 per cent chance – a statistical flip of a coin – will most definitely not be enough. That would be impossible to morally defend. Would anyone of you step onto a plane if you knew it had more than a 50 per cent chance of crashing? More to the point: would you put your children on that flight?

And why is it so important to stay below the 1.5 degree limit? Because that is what the united science calls for, to avoid destabilising the climate, so that we stay clear of setting off an irreversible chain reaction beyond human control. Even at 1 degree of warming we are seeing an unacceptable loss of life and livelihoods.

So where do we begin? Well I would suggest that we start looking at chapter 2, on page 108 in the IPCC report that came out last year. Right there it says that if we are to have a 67 per cent chance of limiting the global temperature rise to below 1.5 degrees Celsius, we had, on 1 January 2018, about 420 Gtonnes of CO2 left to emit in that carbon dioxide budget. And of course that number is much lower today. As we emit about 42 Gtonnes of CO2 every year, if you include land use.

With today’s emissions levels, that remaining budget is gone within less than 8 and a half years. These numbers are not my opinions. They aren’t anyone’s opinions or political views. This is the current best available science. Though a great number of scientists suggest even these figures are too moderate, these are the ones that have been accepted by all nations through the IPCC.

And please note that these figures are global and therefore do not say anything about the aspect of equity, clearly stated throughout the Paris Agreement, which is absolutely necessary to make it work on a global scale. That means that richer countries need to do their fair share and get down to zero emissions much faster, so that people in poorer countries can heighten their standard of living, by building some of the infrastructure that we have already built. Such as roads, hospitals, schools, clean drinking water and electricity.

The USA is the biggest carbon polluter in history. It is also the world’s number one producer of oil. And yet, you are also the only nation in the world that has signalled your strong intention to leave the Paris Agreement. Because quote “it was a bad deal for the USA”.

Four-hundred and twenty Gt of CO2 left to emit on 1 January 2018 to have a 67 per cent chance of staying below a 1.5 degrees of global temperature rise. Now that figure is already down to less than 360 Gt.

These numbers are very uncomfortable. But people have the right to know. And the vast majority of us have no idea these numbers even exist. In fact not even the journalists that I meet seem to know that they even exist. Not to mention the politicians. And yet they all seem so certain that their political plan will solve the entire crisis.

But how can we solve a problem that we don’t even fully understand? How can we leave out the full picture and the current best available science?

I believe there is a huge danger in doing so. And no matter how political the background to this crisis may be, we must not allow this to continue to be a partisan political question. The climate and ecological crisis is beyond party politics. And our main enemy right now is not our political opponents. Our main enemy now is physics. And we can not make “deals” with physics.

Everybody says that making sacrifices for the survival of the biosphere – and to secure the living conditions for future and present generations – is an impossible thing to do.

Americans have indeed made great sacrifices to overcome terrible odds before.

Think of the brave soldiers that rushed ashore in that first wave on Omaha Beach on D Day. Think of Martin Luther King and the 600 other civil rights leaders who risked everything to march from Selma to Montgomery. Think of President John F. Kennedy announcing in 1962 that America would “choose to go to the moon in this decade and do the other things, not because they are easy, but because they are hard…”

Perhaps it is impossible. But looking at those numbers – looking at the current best available science signed by every nation – then I think that is precisely what we are up against.

But you must not spend all of your time dreaming, or see this as some political fight to win.

And you must not gamble your children’s future on the flip of a coin.

Instead, you must unite behind the science.

You must take action.

You must do the impossible.

Because giving up can never ever be an option.

Miyerkules, Setyembre 25, 2019

Mga biktima ng hazing nawa'y bigyang hustisya

Bakit may hazing? Bakit sa kapwa'y may nananakit?
Akala ko, kapatiran iyong may malasakit!
Bakit dinulot sa kapatid ay dusa't pasakit?
Namatay sa hazing o pinatay sa hazing? Bakit?

Kapatiran iyon! Kapatid ang dapat turingan!
May inisasyon para sa papasok sa samahan
May inisasyon din pati plebo sa paaralan
Mga inisasyong pagpaparusa sa katawan

Ano bang silbi ng hazing sa mga bagong pasok?
Hazing ba'y upang makapasa sila sa pagsubok?
Bakit dapat dumaan sa palo, tadyak at suntok?
Upang kapatiran lang nila'y dumami't pumatok

Di pala sapat ang batas na itigil ang hazing
Di dapat gawing kultura ng samahan ang hazing
Ngunit may piring pa rin ang katarungan, may piring
Nawa'y mabigyang hustisya ang biktima ng hazing

- gregbituinjr.

Martes, Setyembre 24, 2019

Ang plantang coal ay bikig sa lalamunan

ang hinaing ng bayan ba'y di mo pa naririnig
na winawasak ng plantang coal ang ating daigdig
dahil dito'y di pa ba tayo magkakapitbisig
upang tutulan ang plantang coal na nakakabikig

dahil sa plantang coal ay nagmamahal ang kuryente
habang tuwang-tuwa naman ang mga negosyante
limpak-limpak ang tinutubo, sila'y sinuswerte
habang sa simpleng masa, ang plantang coal ay kayrumi

mag-renewable energy, tigilan ang plantang coal
aba'y dapat pakinggan ang matinding pagtutol
ng mamamayan, bago pa sa panahon magahol
sa kuryenteng kaymahal, masa'y kapos sa panggugol

dahil sa plantang coal, kalikasan ay nasisira
sa paghahanap ng panggatong, isla'y ginigiba
tulad sa Semirara na hinalukay ang lupa
nangitim din ang dagat sa Balayan at Calaca

sa climate change, ang plantang coal ang pangunahing sanhi
atmospera'y binutas, emisyon nito'y kaysidhi
kung sanhi'y plantang coal, paano ito mapapawi
sa malaking pagsira nito'y paano babawi

halina't magsama-sama upang ating pigilin
ang pananalasa ng plantang coal sa bansa natin
bikig natin sa lalamunan ay dapat tanggalin
gawin bago pa tayo nito tuluyang patayin

- gregbituinjr.
* Inihanda ng makata at binigkas sa harap ng mga raliyista sa Mendiola sa National Day of Protest Against Coal, Setyembre 24, 2019















Lunes, Setyembre 23, 2019

Naririto lagi kaming aktibistang Spartan

aktibistang Spartan kaming nariritong lagi
nang ugat ng kahirapan ay tuluyang mapawi
marapat nang tanggalin ang pribadong pag-aari
pagkat sa pagsasamantala't pagkaapi'y sanhi

kaming aktibistang Spartan lagi'y naririto
upang sagupain ang bagsik ng kapitalismo
na laging yumuyurak sa karapatang pantao
na makina't di tao ang pagtingin sa obrero

laging naririto kaming Spartang aktibista
na naghahangad baguhin ang bulok na sistema
pinasok ang makipot na landas para sa masa
at uring obrero'y patuloy na maorganisa

naririto lagi kaming aktibistang Spartan
na sinanay upang depensahan ang uri't bayan

- gregbituinjr.

Linggo, Setyembre 22, 2019

Di man magaling mangumbinsi

di talaga ako magaling sa pangungumbinsi
ang kinausap ko'y di ko mapasama sa rali
kahit maganda ang isyu't dapat silang kumilos
tila baga ang nais lang nila'y ang magparaos
marahil kailangan ko'y alas o panggayuma
upang kumbinsihin silang baguhin ang sistema

at tibak akong di rin mahusay magtalumpati
kung di makapangumbinsi'y paano magwawagi
sa tiyagang mag-organisa ako pa ba'y kapos
mga isyu'y paulit-ulit, di matapos-tapos
paano ba oorganisahin ang laksang masa
kundi alamin muna ang isyu nila't problema

at mula roon sa masa na'y makikipamuhay
sa kanila'y ipaliwanag ang prinsipyong taglay
ipakitang lingkod ng bayan, nagpapakatao
nagpopropaganda, nag-iisip, at nagpaplano
nakikiisa sa kanilang laban at layunin
habang ipinaliliwanag ang prinsipyong angkin

dapat ipagtagumpay ang ating pakikibaka
at pagkaisahin ang manggagawa't magsasaka
iwawaksi rin natin ang pribadong pag-aari
pagkat ito ang siyang ugat ng pang-aaglahi
pagsasamantala sa sambayanan ay wakasan
at itayo ang adhikang sosyalistang lipunan

- gregbituinjr.

Sabado, Setyembre 21, 2019

Hustisya sa mga batang biktima ng tokhang

Anong sakit sa kanilang loob bilang magulang
nang anak nilang inosente'y nadamay sa tokhang.
Di maubos-maisip bakit anak ay pinaslang
na edad pito, lima, apat, tatlong taong gulang.

Ating tandaan ang ngalang Danica Mae Garcia,
Althea Barbon, Michael Diaz, Sonny Espinosa,
Aldrin Castillo, Joshua Cumilang, Francis Mañosca,
Angel Fernandez, Carl Arnaiz, at myka Ulpina.

Naririyan din ang pangalang Kian Delos Santos,
Kristine Joy Sailog, Angelito Soriano, Jayross
Brondial, Sañino Butucan, Jonel Segovia, musmos
pa sila't marami pang batang buhay ay tinapos!

Dulot ng mga pumaslang sa kanila'y ligalig
Ginawa sa kanila'y dapat mapigil, malupig
Hustisya sa mga pinaslang! Ito'ng ating tindig
Panagutin ang mga maysalang dapat mausig!

- gregbituinjr.
* tulang binigkas ng makata sa rali kaugnay sa ika-47 anibersaryo ng batas militar na ginanap sa basketball court ng Christ the King, E. Rodriguez, QC, Setyembre 21, 2019.

Pinaghalawan:
https://www.rappler.com/views/animated/218077-never-forget-kian-delos-santos-caloocan-extrajudicial-killing
https://www.rappler.com/newsbreak/iq/179234-minors-college-students-victims-war-on-drugs-duterte
https://www.gmanetwork.com/news/news/nation/699578/3-yr-old-girl-is-the-latest-victim-of-duterte-s-drug-war-hrw/story/
https://newsinfo.inquirer.net/794598/kill-list-drugs-duterte

Batas militar, maraming hinuli't ikinulong

Batas militar, maraming hinuli't ikinulong
dahil nagsikilos, pakikibaka'y isinulong
at nilabanan ang diktador na isang ulupong
na sa karahasan ng kamay na bakal nalulong

totoo, marami ang nakibakang aktibista
kasama'y estudyante, manggagawa, magsasaka
katutubo, kababaihan, mangingisda, masa
sa adhikaing mabago ang bulok na sistema

subalit nagalit ang diktador, sila'y tinudla
dinakip, ikinulong, ginahasa, iwinala
nakapiit ay tinortyur, sinaktan, natulala
isang bangungot ang batas militar, isang sumpa

kahapong iyon ay sadyang kaytinding karahasan
walang karapatang pantao, kahit sa piitan
ang mga aral nito'y huwag nating kalimutan
"Never Again! Never Forget!" ang ating panawagan

- gregbituinjr.
* nilikha at binigkas ng makata sa rali kaugnay sa ika-47 anibersaryo ng batas militar na ginanap sa basketball court ng Christ the King, E. Rodriguez, QC, Setyembre 21, 2019.

Panawagan ng maralita

Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lungsod
samahan ng dukhang masipag, nagpapakapagod
nang makakain, mapag-aral, anak ay malugod
pamilya'y ginagapang, magtagpi man ng alulod

ang nais namng maralita'y pampublikong pabahay
na ayon sa kakayahan ng dukha'y mabayarang tunay
di barungbarong, kundi ang materyales ay matibay
may bentilasyon, at bahay na mapaghihingahang tunay

- gregbituinjr.
* kinatha ng makata at binasa sa programa sa rali sa ika-47 paggunita sa martial law sa Pilipinas, 9/21/2019

Biyernes, Setyembre 20, 2019

Winawasak ng kapitalismo ang ating mundo

winawasak ng kapitalismo ang ating mundo
sinisira nito ang ating buong pagkatao
nilalason ang sakahan sa pagmimina nito
kabundukan natin ay tuluyan nang kinakalbo

para sa higit na tubo'y wasak ang kalikasan
todo-todong pinipiga ang ating likasyaman
ginagawang subdibisyon ang maraming sakahan
ginawang troso ang mga puno sa kagubatan

dahil sa plantang coal, mundo'y patuloy sa pag-init
tataas ang sukat ng dagat, mundo'y nasa bingit
tipak ng yelo'y matutunaw, delubyo'y sasapit
kapitalista'y walang pakialam, anong lupit

di lamang sobrang pinipiga ang lakas-paggawâ
ng manggagawa, kundi kalikasa'y sinisirà
lupa'y hinukay sa ginto't pilak, at ang masamâ
katutubo pa'y napalayas sa sariling lupà

mula nang Rebolusyong Industriyal ay bumilis
ang sinasabing pag-unlad na sa tao'y tumiris
pati mga lupa'y pinaimpis nang pinaimpis
upang makuha lamang ang hilaw na materyales

likasyaman ay hinuthot nang gumanda ang buhay
maling pagtingin sa kaunlaran ang ating taglay
imbes umunlad ang tao'y pinaunlad ang bagay
bansa'y umasenso pag maraming gusali't tulay

ang mineral sa ilalim ng lupa'y nauubos
ngunit imbes umunlad, ang bayan pa'y kinakapos
dahil sa nangyayari'y dapat tayong magsikilos
pangwawasak ng kapitalismo'y dapat matapos

sa kabila nito, may pag-asa pang natatanaw
sa nalalabing oras, kumilos ng tamang galaw
mulatin ang sambayanan, kaya ating isigaw:
"Ibasura ang kapitalismo! Climate Justice Now!"

- gregbituinjr.
* nilikha at binasa ng makata sa harap ng maraming tao sa programa ng Global Climate Strike, na ginanap sa Liwasang Aurora, Quezon City Memorial circle, Setyembre 20, 2019.






Katarungan sa mga pinaslang na environmental defenders!

pinakamapanganib na lugar ang Pilipinas
kung usapin ng pagtatanggol ng kapaligiran
sa environmental defenders, maraming inutas
pagkat ipinagtatanggol nila ang kalikasan

siyam na magtutubo ang minasaker sa Negros
apat na babae't dalawang bata ang pinulbos
may walong katutubo ng Tamasco ang inubos
binira raw sila ng kung sinong berdugong bastos

sina Leonard Co at Gerry Ortega'y pinaslang
Jimmy Liguyon, Juvy Capion, iba pang pangalan
Pops Tenorio, Romeo Sanchez, inutas ng halang
mga makakalikasang ang buhay ay inutang

katarungan sa mga environmental defender!
nawa'y madakip na't makulong ang mga nag-marder!

- gregbituinjr.
* nilikha ng makata upang basahin sa rali sa DENR, Setyembre 20, 2019

Pinaghalawan ng ilang datos:
https://www.rappler.com/nation/236604-philippines-deadliest-country-environmental-activists-2018
https://www.rappler.com/science-nature/environment/208069-number-environmental-activists-killed-2017-global-witness-report
https://www.pressreader.com/philippines/manila-times/20121008/281517928345797
https://globalnation.inquirer.net/102121/ph-deadliest-asian-country-for-environment-activists-report




Mga litratong kuha ng makata sa rali sa DENR

Huwebes, Setyembre 19, 2019

Mga makabagong kasabihan

MGA MAKABAGONG KASABIHAN

anumang lakas ng hangin
kaya nating salungatin
di tayo mga alipin
dito sa ating lupain

huwag maging hipong tulog
sa inaanod sa ilog
ilagan ang pambubugbog
nang katawa’y di madurog

anumang kapangyarihan
ay pansamantala lamang
kayang mag-alsa ng bayan
laban sa gagong iilan

sa balut at pansit-luglog
tuhod mo'y di mangangatog
ang sa pansitan natulog
mag-ingat baka mauntog

di tulugan ang pansitan
kaya mag-ingat sa daan
umuwi ka sa tahanan
at maybahay ang sipingan

mandaragit ay lagi nang
nariyan sa kalawakan
animo'y nakamatyag lang
daragitin ka na lamang

ang plakard ma’y namumula
sa dugo ng aktibista
prinsipyo’y tangan pa niya
nang mabago ang sistema

mabuti pang maging tibak
na sa laban sumasabak
kaysa burgesyang pahamak
na bayan ang nililibak

halina't tayo'y magtanim
ng mga punong may lilim
ng rosas na masisimsim
at ugaling maaatim

- gregbituinjr.
* nalathala sa pahayagang Taliba ng Maralita, publikasyon ng KPML (Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lungsod), isyu ng Setyembre 16-31, 2019, p. 20

Miyerkules, Setyembre 18, 2019

Makikipagkapitbisig ka ba sa mga tibak?

makikipagkapitbisig ka ba sa mga tibak
dahil ikaw rin ay dukhang gumagapang sa lusak
iginagapang mo rin ba ang iyong mga anak
upang makaalpas sa hirap at di hinahamak

makikiisa ka ba sa layon ng aktibista
na sistema'y baguhin, patuloy na makibaka
na bayan ay di na mabuhay sa hirap at dusa
na kamtin ang lipunang pantay, malaya ang masa

yayakapin mo ba ang aktibistang simulain
na bulok na sistema't lipunang ito'y baguhin
na buong uring manggagawa'y oorganisahin
itatayo ang lipunang magsisilbi sa atin

itataguyod mo ba'y diwa ng uring obrero
yayakapin ang materyalismo't diyalektiko
ikaw ba'y makikipagkapwa't magpapakatao
pagkat lipunang makatao'y siyang sosyalismo

o nais mo ring maging aktibistang naririyan
di lang tagapanood kundi kaisa sa laban
upang maging pantay ang tao sa sangkatauhan
maging maayos ang kalikasan at daigdigan

tara, sa mga tibak ay makipagkapitbisig
at sa sosyalistang prinsipyo tayo nang sumandig
itatayo'y lipunang makataong may pag-ibig
gagawing mabuti ang kalagayan sa daigdig

- gregbituinjr.

Hardliner na tibak

anila, isa raw akong hardliner sa pagkilos
matinding manindigan laban sa pambubusabos
prinsipyado upang labanan ang paghihikahos
ng kapwa dukha, pagiging tibak ko'y nilulubos

tunay, hardliner ako dahil nais kong magwagi
ang sosyalismong adhika laban sa naghahari
hardliner ako laban sa pribadong pag-aari
na instrumento ng mapang-api't mapang-aglahi

hardliner ako't di ko ito ikinakaila
pagkat mithing itayo ang lipunang manggagawa
na babakahin din ang kapitalistang kuhila
dahil mapagsamantala't dukha'y kinakawawa

tandaan mo, hardliner ako hanggang kamatayan
na sa pagkilos ko'y di mo ako mapipigilan
sa pakikibaka ang buhay ko na'y inilaan
upang baguhin ang sistema't ang buong lipunan

- gregbituinjr.

Martes, Setyembre 17, 2019

Mas matimbang ang uri kaysa dugo

ako't tibak, mas matimbang ang uri kaysa dugo
prinsipyo'y pinaglalaban, mabasag man ang bungo
adhika ang pangunahin, harangin man ng punglo
sosyalismong layunin ang sa masa'y sinusuyo

sa personal, pag nangutang ng pera sa kapatid
tanong nya'y bakit wala akong pera, ang pabatid
sa mga kasama, di na magtatanong ng bakit
dahil unawa nila ang gawain ko't pasakit

sa personal, ani itay, ano bang mapapala
sa pakikibaka kundi magdudulot ng hidwa
sa mga kasama, binabaka nami'y kuhila
iwawaksi'y sistemang bulok at kasumpa-sumpa

sa personal, anang asawa'y dapat nang tumigil
pamilya ang tutukan, di sistemang mapanupil
subalit kikilos ako laban sa mapaniil
nang pananalasa ng kapitalismo'y mapigil

kaya sa akin, matimbang kaysa dugo ang uri
aming wawasakin ang pribadong pagmamay-ari
dudurugin ang mapagsamantala't naghahari
at itatayo ang sosyalismong kapuri-puri

- gregbituinjr.

Bukas na liham sa mga magulang ng aktibista

BUKAS NA LIHAM SA MGA MAGULANG NG AKTIBISTA
Mula sa kolum na EAGLE EYES ni Tony La Viña
7 September 2019, The Standard
Malayang salin mula sa Ingles ni Greg Bituin Jr.

Sinulat ko ito para sa lahat ng magulang na may mga anak na aktibista. Isinulat ko rin ito sa aking mga kapwa guro na may mga estudyanteng aktibista.

Isa akong estudyante’t kabataang aktibista noong ako'y nasa hayskul at kolehiyo. Ako ngayon ay isang abogadong pangkalikasan na kumikilos sa internasyonal, isang manunulat at iskolar, isang panlipunang negosyante, at isang propesor ng batas, pilosopiya at pamamahala sa labing-isang pamantasan sa Pilipinas at maraming iba pang institusyon sa pag-aaral tulad ng Philippine Judicial Academy at ilang seminaryong Katoliko. Sa nakaraang apatnapung taon, hinawakan ko ang mga nangungunang panlideratong posisyon sa gobyerno, mga organisasyon sa internasyonal, pang-akademiko, propesyonal, at samahan ng mamamayan.

Utang ko ang aking propesyonal na tagumpay sa aking pagiging isang estudyante at kalaunan bilang isang panlipunang aktibista, lalo na bilang tagapagtaguyod ng kapaligiran at karapatang pantao. Dahil sa pakikipag-ugnayan ko sa mga pinakamalalaking isyu ng ating bansa at sa daigdig, nakakuha ako ng kaalaman, kasanayan, karanasan, talakupan (network), at karunungang nagdala sa akin sa kung nasaan ako ngayon.

Kasama na rito ang pagiging magulang ng mga kabataang may taya (commited) upang itayo ang isang mas magandang bansa, isang mas makatarungan at masayang lipunan - sa isang salita, aktibista.

Kamakailan, nakita natin ang pagtatangka ng ilang personalidad sa pamahalaan kabilang ang mga senador na maka-administrasyon, mga miyembro ng mababang kapulungan, at yaong may matataas na katungkulan sa militar at pulisya upang gawing krimen ang pagiging kasapi ng militanteng organisasyon at upang buhayin ang batas ng anti-subersyon na napawalang-bisa noong panahon ni Pangulong Ramos. Alam nating lahat, ang mga ligal na hakbang na ito’y matagal nang itinakwil bilang labi ng mapanupil na pamumuno ng rehimeng Marcos.

Alam nating lahat na tulad ng pinakamadilim na panahon ng batas militar, ang mga hakbang na ito'y walang ibang layunin maliban sa panggigipit sa mga lehitimong tinig ng protesta at oposisyon hanggang sa nararamdamang pang-aabuso at maling paggamit ng kapangyarihan. Bilang mga magulang, labis kaming nag-aalala na sa panahong ito kung saan lumaganap ang klima ng takot sa ating lipunan, kung titingnan ang libu-libong patay na ngayon bunga ng brutal na kampanya kontra-droga, at libu-libo pang mga hindi nalutas na ekstra-dyudisyal na pagpaslang, natatakot kaming ang aming mga anak ay maaaring mapabilang bilang bahagi ng kakila-kilabot na istadistikang ito, alinman dahil sila'y nabilanggo, naging biktima ng pagmamaltrato o baka mas masahol pa.

Maraming kabataan ang naging martir noong madilim na panahon ng diktadura, na lahat sila sa ngayon ay itinuturing nating bayani. Subalit wala sa amin bilang magulang ang nais itong mangyari sa aming mga anak.

Bagaman ang mga alalahanin namin bilang mga magulang ay maaaring lehitimo at ang aming mga takot ay di basta maipagkikibit-balikat lamang, dapat nating mapagtantong ang ating mga anak ay nasa hustong gulang na at mayroon nang kakayahang maging kritikal at may malayang pag-iisip at mas mahusay na paghuhusga. Maaaring may panahong ang ilan sa atin ay di nila nakakasundo sa kanilang pulitika, o sa pag-unawa sa ilang mga bagay na nangyayari sa kanilang paligid. Subalit magtiwala tayo sa kanilang paghuhusga. Kasama na rito ang pagtitiwala sa kanilang kakayahang makagawa ng kamalian. At kapag nagkamali sila, dapat naroon tayo upang matulungan sila - hindi ang murahin sila, hindi ang magalit sa kanila, kundi higit na mahalin sila.

Para lang nakatitik, naniniwala akong ang paraan pasulong para sa anumang lipunan upang malutas ang mga salungatan ay sa pamamagitan ng diyalogo at pinagkasunduan. Matagal ko nang tinalikuran ang matinding ideolohiyang balangkas o pagtatatak sa sinumang tao o pangkat ng mga tao bilang mga kaaway ng estado o ng mamamayan. Nagtuturo ako at nagpapayo sa mga aktibistang may iba’t ibang ideyolohikal na paniniwala; nagtuturo rin ako at nagpapayo sa mga opisyal ng militar at pulisya (ang ilan ay may mataas na ranggo), sa isang henerasyon ng mga negosyanteng panlipunan, mga opisyal mula sa lahat ng sangay ng pamahalaan, at maraming bilang ng mga pari at relihiyoso.

Kinokondena ko ang lahat ng anyo ng karahasan at paglabag sa karapatang pantao - gawa man ng estado o ng iba pang mga grupo sa lipunan. Para sa akin, walang makakapagbigay-katwiran sa pagpapahirap o pagpatay sa isang adik sa droga, pinuno ng magsasaka, organisador ng unyon, tagapagtanggol ng karapatang pantao, abugado, hukom, mamamahayag, opisyal ng gobyerno, pulis, o kawal.

Ang tiyak, minsan ay di ako sang-ayon sa mga taktika at posisyon ng mga aktibistang nakakasalamuha ko, kasama na ang mga personal na malapit sa akin. Ngunit ang mas mahinahong paraan ng pakikipag-ugnayan sa mga hindi pagkakasundong ito, kung mayroon man, ay gabayan sila, at bigyan sila ng payo sa kung ano ang pinaniniwalaan natin sa ating mga puso, ang tamang landas na kanilang gagawin.

Kung ang mga bata ay nasa panahong tinedyer pa lang, o mga menor de edad, natural na ang mga magulang ang mag-utos at manduhan sila kung ano ang dapat gawin at dapat nilang sundin kung itatanim lamang ang disiplina at itanim sa kanilang isip ang mga mabubuting kaugalian. Ngunit habang lumalaki ang ating mga anak, nagsisimula na nilang mabuo at linangin ang kanilang sariling pang-unawa sa mga bagay-bagay, naiimpluwensyahan na rin, ng kanilang pamilya, pakikipag-ugnayan, pisikal at panlipunang kapaligiran. Ang pinakapangit na bagay na gagawin natin ay kapag hindi natin pinahihintulutan ang mga ito, inaakusahan silang nakulapo ang utak, o inagaw ng mga militanteng organisasyon na sa katunayan ay nagbigay sa kanila ng mga kagamitan at pamamaraan upang makagawa ng pagkakaiba.

Maraming mga bata, dahil sa iba't ibang mga panloob at panlabas na impluwensya, ay maaaring mas naggigiit ng kanilang karapatan, mas sensitibo sa kawalang-katarungan at pang-unawa sa di pagkakapantay-pantay sa lipunan na nasa paligid nila kaysa sa iba, at hindi nasisiyahan na umupo ng nakatunganga at maghintay ng darating na pagbabago kundi laging handang kumilos upang itama ang kanilang pinaniniwalaang mali; samakatuwid, sila ang ating mga anak na piniling maging aktibista para sa pagbabago.

Sila ang mga kabataan, ang ating mga anak na lalaki at babae, na lumalahok sa mga rali, kilos protesta at demonstrasyon sa mga paaralan, lansangan, sa harap ng mga tanggapan ng pamahalaan, dayuhang embahada o kung ano pa man. Sila ang ating mga anak na nagpapahayag ng kanilang pagsalungat laban sa pagtaas sa singil sa matrikula, pagtaas ng presyo ng langis at pangunahing bilihin, laban sa isang kalabang dayuhang gobyerno, opisyal na pang-aabuso at katiwalian at iba pang nauugnay na mga panlipunan at pampulitikang isyu.

Sinusuportahan ko ang mga kabataang ito pag nagsasalita sila ng katotohanan sa kapangyarihan. Ang katotohanan, kung iisipin kung nasaan ako ngayon at ang mga ugnayang mayroon ako, di ako magiging matapat tulad nila.

Tingnan ang mga kabataan ng Hong Kong! Magiging mas mahusay na Pilipinas tayo kung ang antas ng ating mga aktibista ay lumobo rin tulad ng paraang iyon.

Upang maibulalas ang mga hinaing at upang maipahayag ang opinyon at pananaw ng isang tao sa ilang mga bagay, kahit na ang mga ito ay hindi nasasang-ayon sa nasa-kapangyarihan at sa pakialamerong elitista, ay isang garantisadong karapatan at protektado ng ating mga batas, di man banggitin ang konstitusyon, ang pangunahing batas ng bansa. Mahalagang sangkap ito ng bawat gumaganang demokrasya na pahintulutan ang ating kabataan na maipahayag ang kanilang mga palagay at saloobin. Ang pigilan ang mga pangunahing kalayaang ito ay kontra-demokratiko at direktang salungat sa mga prinsipyo kung saan itinatag ang bawat sibilisadong lipunan.

Si Kailash Satyarthi, na nagkamit ng Gawad Nobel hinggil sa kapayapaan, na kumakatig sa kapangyarihan ng kabataan, ay minsang nagsabi: "Ang lakas ng kabataan ang karaniwang kayamanan para sa buong daigdig. Ang mukha ng mga kabataan ang mukha ng ating nakaraan, kasalukuyan at hinaharap. Walang bahagi ng lipunan ang maaaring tumugma sa lakas, ideyalismo, sigasig at katapangan ng mga kabataan. ”

Sa parehong kalagayan, ang kabataan ang palaging katalista o sanhi ng pagbabago sa bawat panahon ng kasaysayan ng ating bansa. Tulad ng ating pambansang bayaning si Dr. Jose Rizal na noon pa napagtanto at sinipi ang kanyang sinabing kahit na sa panahon na ang nasyonalismong Pilipino ay nasa yutong nagsisimula pa lang: "Ang kabataan ang pag-asa ng bayan".

Sa minamahal naming mga magulang at guro ng ating mga estudyante't kabataang aktibista, huwag tayong matakot! Magkasama nating hangaan ang mga kabataan natin ngayon - ang kanilang katapangan at ideyalismo, ang kanulang kakayahang mag-isip para sa kanilang sarili, ang kanilang pagtaya para sa isang mas mabuting Pilipinas at daigdig. Bilang mga magulang at guro, huwag natin silang hilahin o pigilan, ngunit samahan sila, suportahan sila, sa katunayan ay magmartsa at tanganan ang linya kasama nila kung kinakailangan.


'Open letter to parents of activists'
EAGLE EYES – Tony La Viña
7 September 2019, The Standard

I write this for all parents who have children that are activists. I also write this to my fellow teachers who have students who are activists.

I was a student and youth activist in my high school and college days. I am now an international environmental lawyer, a writer and scholar, a social entrepreneur, and a law, philosophy and governance professor in eleven Philippine universities and several other learning institutions like the Philippine Judicial Academy and some Catholic seminaries. In the last forty years, I have held top leadership positions in government, international organizations, academic, professional, and citizen organizations.

I owe my professional success to my being a student and later as a social activist, in particular as an environmental and human rights advocate. Because of my engagement in the biggest issues of our country and world, I acquired knowledge, skills, experience, networks, and wisdom that has brought me to where I am today.

That includes being a parent of young persons who are committed to build a better country, a more just and happy society – in a word, activists.

Recently, we have seen attempts by certain personalities in government including pro-administration senators, members of the lower house and ranking military and police personnel to criminalize membership in militant organizations and to revive the Anti-Subversion law which had been repealed during the time of President Ramos. As we are all too aware, these legal measures had long been repudiated as vestiges of the Marcos repressive rule.

We all know that much like during the darkest days of the Martial Law era, these measures have no other purpose than to stamp down legitimate voices of protest and opposition to perceived abuse and misuse of power. As parents, we are doubly concerned that in these times when a climate of fear have so permeated our society given the thousands who are now dead as a result of the brutal anti-drug campaign, and thousands more of unresolved extra-judicial killings, we are fearful that our children might be counted as part of this horrible statistic, either because they end up in prison, become victims of maltreatment or worse.

Many young people were martyred during the dark days of the dictatorship, all of whom we now hail as heroes. But none of us parents want that for our children.

While our concerns as parents may be legitimate and our fears cannot simply be shrugged off, we must also be aware that our children are of majority age and are perfectly capable of critical and independent thinking and better judgment. Some of us may not be in agreement at times with their politics, or perceptions of certain things that are happening around them. But we must trust their judgment. That includes trusting also in their ability to make mistakes. And when they make mistakes, we should be there to help them – not scold them, not get angry with them, but love them even more.

For the record, I believe strongly that the way forward for any society to resolve its conflicts is through dialogue and consensus. I have long ago abandoned rigid ideological frameworks or labeling any person or group of persons as enemies of the state or people. I teach and mentor activists of all ideological persuasions; I also teach and mentor military and police officials (some already with high rank), a generation of social entrepreneurs, many officials from all branches of government, and quite a number of priests and religious people.

I condemn all forms of violence and violations of human rights – whether by the state or by other groups in society. For me, nothing can justify the torture or killing of a drug addict, a peasant leader, a union organizer, a human rights defender, a lawyer, a judge, a journalist, a government official, a policeman, or a soldier.

For sure, I sometimes disagree with the tactics and positions of the activists I engage with, including those personally close to me. But the more prudent way of approaching these disagreements, if any, is to guide them, and give them advice on what we believe in our hearts is the right path for them to take.

When children are still in their teens, or minors, it is natural for parents to command and order them what to do and they have to obey if only to instill discipline and inculcate in them good values. But as our children grow into adulthood, they begin to form and cultivate their own perception of things, influenced, as it is by their familial, relational, physical and social environments. The worst thing we do is when we disempower them, accused them of being brainwashed, or being kidnapped by militant organizations that have in fact provided them with the tools and avenues to make a difference.

Many children, because of these varying internal and external influences, may be more assertive of their rights, more sensitive of injustice and perceptive of the social inequality that surround them than others, and are not contented to sit idly and wait for change to come but are always willing to take action in order to make right what they believe is wrong; hence, these are our children who opt to become activists for change.

These are the young people, our sons and daughters, who participate in rallies, mass protests and demonstrations in schools, streets, in front of government offices, foreign embassies or what not. These are our children who voice out their opposition against tuition fee hikes, rising prices of oil and commodities, against a hostile foreign government, official abuse and corruption and other relevant social and political issues of the day.

I support these young people when they speak truth to power. The truth is, given where I am now and the relationships I have, I cannot be as honest as them.

Look at the young people of Hong Kong! We would be a better Philippines if our ranks of activists would swell in the same way.

To ventilate grievances and to express one’s opinions and views on certain things, even if these may be unsavory to the power-that-be and the entrenched elite, is a guaranteed right and protected by our laws, not to mention the constitution, the fundamental law of the land. It is a vital component of every working democracy that our youth be allowed to air their opinions and grievances. To curtail these basic freedoms is anti-democratic and antithetical to the principles for which every civilized society is founded.

Noble peace prize recipient Kailash Satyarthi endorsing the power of the youth once said: “The power of youth is the common wealth for the entire world. The faces of young people are the faces of our past, our present and our future. No segment in the society can match with the power, idealism, enthusiasm and courage of the young people.”

In the same vein, the youth has always been a catalyst of change in every epoch of our country’s history. As our national hero Dr. Jose Rizal long ago realized and was quoted saying even during a time when Filipino nationalism was still at a nascent stage: “Ang kabataan ang pag-asa ng bayan”. (“The youth is the hope of our nation.”)

Dear parents and teachers of our student and youth activists let us not be afraid! Together let us be in awe of our young people today – their courage and idealism, their ability to think for themselves, their commitment to a better Philippines and world. As parents and teachers, let us not pull them back or restrain them, but be with them, always support them, in fact march and hold the line with them if necessary.